Advertisers
KINUMPIRMA ni Bise Presidente Sara Duterte na nakatanggap siya ng subpoena mula sa Office of the Prosecutor nitong Miyerkules, Abril 30.
Ayon kay VP Sara, may kinalaman ito sa kasong isinampa ng NBI laban sa kanya.
Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo na hindi na rin siya nabigla sa kasong qualified human trafficking na isinampa ng Justice Department (DOJ) laban kay dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.
Kinumpirma naman ni NBI Director Jaime Santiago na ang subpoena laban kay VP Sara ay may kinalaman sa sinasabing pagbabanta kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta at Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Santiago, umusad na ang preliminary investigation sa nasabing reklamo.