Advertisers

Advertisers

MGEN. TORRE VS GAMBLING DENS NA PASOK SA ELECTION FUND!

0 1,032

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

PINANINIWALAANG ginagamit na election fund ng ilang tuso at tiwaling mga pulitiko ang payola na nagmumula sa iba’t ibang uri ng pasugal, kayat nanawagan ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) sa agarang pagkilos ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ni Major General Nicolas Torre III upang sugpuin ang lalong lumalalang operasyon ng illegal at bentahan ng droga sa mga siyudad at bayan sa Batangas at CALABARZON.

Ayon sa MKKB, tila naging pugad ng pergalan ang mga bayan ng Balayan, Calatagan, Lian, Tuy, Nasugbu, Lemery, Padre Garcia, Laurel, San Luis, Malvar, Bauan, San Pascual, San Juan, mga siyudad ng Lipa, Tanauan at Calaca sa Batangas; mga munisipalidad ng Tiaong, San Antonio, Guinyangan, Agdangan, Lucena City sa Quezon Province; Brgy. Sto Domingo, Binan City; Brgy. Sto. Tomas; Sta. Rosa Garden, Sta. Rosa City; Macabiling, Sta. Rosa City; Pulo, Sta. Rosa City; Langgaan, San Pedro City; Bubucal, Sta. Cruz; Siniloan Bayan, Fammy, San Lorenzo, Sta. Rosa City; Cabuyao City at bayan ng Sta. Cruz sa Laguna.



Ang mga naturang siyudad at bayan ay sentro na ngayon ng aktibong kampanya ng ilang mayoralty candidates na pawang tahimik sa harap ng mga iligalistang lantaran kung mag-operate sa kani-kanilang nasasakupan.

Itinuro ng MKKB na tila “inaalimango” ang kampanya ng mga kandidato tulad nina Leslee Fronda (Balayan), Pedro Palacio IV (Calatagan), Joseph Piji (Lian), Jecerell Jose Cerrado (Tuy), Ian Kenneth Alilio (Lemery), Jose Antonio Barcelon (Nasugbu), Sofronio Naz Ona (Calaca City)), Lyndon Broce (Laurel), Librando Salud (San Juan), Sonny Collantes (Tanauan City) at iba pa dahil sa kanilang pananahimik habang hinihila silang pababa ng mga gambling operator na nagtatamasa ng proteksyon mula sa ilang opisyales ng pulisya at lokal na ehekutibo.

Ilan sa mga ilegal na operasyon na idinulog ng MKKB ay ang bookies ng jueteng sa likod ng PCSO Small Town Lottery (STL), mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) na may koneksyon sa droga, saklaan at iba pa na kung tawagin ay sugal lupa.

Lalo ring naging lantaran ang mga iligal na aktibidad ng mga gambling/drug operator na sina Tisoy at Nonit sa Padre Garcia; Kap Ogie, Noche, Leo at Jap aka Hapon sa Balayan; Allan, Arnel at Jestoni sa Calatagan; alyas Triple J, Laguz at ex NPA Commander ng Lian bookies at mini casino sa Lian Public Market; ang hari at prinsipe ng pergalan ng Lian at Tuy na sina Ka Rudy at Pajon na kapwa matunog ang pangalan sa kalakalan ng droga; alyas Willy Bokbok na bookies at sakla boss ng Nasugbu; Ricalde ng bookies ng San Luis at Lemery; Biscocho ng Calaca; Kap Nelson ng San Juan; Ocampo, Elnice, Cristy, Dimapilis, Kap Burgos ng Tanauan City bookies; Big 4 ng Lipa City bookies; alyas Boy No Good Life at Eve, Madam Norma sa Tiaong; Francia ng bayan ng Agdangan sa lalawigan ng Quezon at iba pa.

Binatikos din ng MKKB ang nagiging kalakaran na paghahatag ng mga gambling operators ng libreng almusal, tanghalian, pati na meryenda at hapunan sa ilang opisyales at kagawad ng kapulisan bukod pa sa padating na lingguhang payola o intelhencia upang ‘di masaling ang mga bookies, pergalan, saklaan operation at iba pang kailegalan sa kanilang hurisdiksyon.



Pinuna din ng grupo ang anila’y pagiging mistulang inutil ng ilang provincial director at police chief sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna at Cavite at iba pang panig ng CALABARZON dahil walang hakbang ang mga ito sa harap ng sumbong ng taumbayan laban sa mga naturang ilegal na aktibidad.

“Kung patuloy itong babalewalain ng lokal na pulisya, nararapat na ang CIDG na mismo ang pumasok at maglunsad ng malawakang operasyon sa mga naturang sindikato sa Rehiyong Katagalugan. Si MGen. Nicolas Torre III ang inaaasahan namin na mangunguna sa paglilinis na ito”, ang pahayag ng tagapagsalita ng MKKB.

Dagdag pa ng grupo, ang mga sugalan ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng election fund ng maraming kandidato sa mga naturang bayan at siyudad kung kaya’t hindi ito nasusugpo. Kasabay nito ay nanawagan sila sa suporta ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at ng Commission on Election (COMELEC) upang matiyak ang malinis na papalapit na halalan.