Advertisers

Advertisers

Away sa basketball: 1 patay, 3 timbog

0 12

Advertisers

NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng Sto. Tomas City PNP at tauhan ng Provincial Intelligence Unit-PSOG ng Batangas Provincial Police Office nang magsagawa ng hot pursuit at follow up operations laban sa itinuturong mastermind at dalawang suspek na gun for hire na bumaril at nakapatay sa isang biktimang building contractor na nangyari noong Lunes ng umaga (April 28, 2025) sa Highland Residence, Brgy. San Vicente ng Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Jovan Cantuba, 43-anyos, at residente Sto. Tomas City, Batangas.



Personal naman kinilala ni Sto.Tomas City Police Chief P/Lieutenant Colonel Jay Cuden, ang mga suspek na sina Edgar Torres Serrano, mastermind; Vivencio Chavez.

Samantalang boluntaryo naman sumuko kay Brgy. Chairman Domingo Carpio ng Barangay San Vicente ang isa pang salarin na si Ian Rey Marasigan, 46, at residente ng Brgy. San Rafael ng nasabing lungsod nitong Miyerkoles, April 30.

Nakuha mula sa gun man na si Chavez, ang ginamit sa krimen na isang Colt 45 caliber pistol na may kasamang dalawang piraso ng magazine at loaded ng mga bala, isang kulay blue na jacket, helmet at isang kulay maroon na sling bag.

Itinuturong motibo sa pamamaslang sa biktima ang kanilang away sa larong basketball ng mastermind sa krimen.

Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong Murder at Republic Act 10591 na Comprehensive Laws on Firearms and Ammunitions in relation to Omnibus Election Code o Gun Ban at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.(Koi Laura)