Advertisers
Sugatan ang isang kandidato sa pagka-board member sa Davao del Norte nang pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng kalye sa Delfina Village sa Barangay Magugpo North sa Tagum City nitong Martes ng gabi, April 29, 2025.
Kinilala ang biktima na si Audrie Perez, 43-anyos, at board member sa Davao del Norte.
Ang Tagum City ang siyang kabisera ng Davao del Norte Province sa Region 11.
Sa ulat ng mga police officials at local executives noong Miyerkules ng umaga, sakay si Perez ng kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa isang lugar sa Barangay Magugpo North.
Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa Tagum Doctors Hospital si Perez na nasa ligtas ng kalagayan, ayon sa mga officials ng Tagum City Police Office.