Advertisers

Advertisers

Pag-okupa ng China Coast Guard sa Sandy Cay, ipasisilip ng Senado

0 4

Advertisers

IPINAPAIMBESTIGAHAN ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang iligal na pag-okupa ng China Coast Guard at mga Chinese militia vessels sa Sandy Cay.

Inihain ni Tolentino ang Senate Resolution 1347 kung saan kinokondena ng senador ang iligal na panghihimasok ng China sa karagatan ng bansa at ang iligal na pag-okupa sa Sandy Cay na bahagi ng sakop na teritoryo ng bansa.

Inaatasan na mag-imbestiga rito ang Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones na kaniya ring pinamumunuan.



Layunin ng imbestigasyon na higit pang mapalakas ang pangangalaga sa ating soberanya, at hurisdiksiyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Iginiit ni Tolentino na ang labag sa batas na pagpasok at pananatili sa ating karagatan ng mga sasakyang-dagat ng China ay tahasang paglabag sa Konstitusyon ng Pilipinas, sa international law at insulto sa ating soberanya.

Umapela rin ang senador sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng nararapat na hakbang para maprotektahan at madepensahan ang ating karapatan partikular sa West Philippine Sea.