Advertisers

Advertisers

Probe sa nasakoteng ‘spy’ binabantayan ni PBBM

0 3

Advertisers

PATULOY ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng pagkaka-aresto sa isang Chinese national sa may tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.

Nakumpiska umano mula sa dayuhan ang isang kagamitan na sinasabing ginagamit sa paniniktik at itinuturing ngayong isyu sa national security.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.



Sinabi ni Castro na itinuturing na seryoso at nakakabahala ang insidente kaya’t hinihintay ng Pangulo ang magiging resulta ng malalimang imbestigasyon ukol dito.

Samantala, hindi pa tiyak kung ipatatawag ng pamahalaan ang Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Huang Xilian upang magpaliwanag sa isyu.

Ayon sa Palasyo, ang Department of National Defense ang inaasahang magbibigay ng kaukulang aksyon hinggil sa nasabing usapin. (Gilbert Perdez)