Advertisers

Advertisers

Vice governor ng Benguet na tumatakbong kongesista, sinampahan ng disqualification case sa Comelec

0 10

Advertisers

SINAMPAHAN ng disqualification case ang congressional candidate at kasalukuyang Benguet Vice-Governor na si Ericson “Tagel” Felipe dahil sa paggamit ng government issued vehicles sa kaniyang pangangampanya.

Isang pribadong indibidwal ang naghain ng petition for disqualification laban kay Felipe dahil sa paglabag umano nito sa Section 68 ng Omnibus Election Code (OEC).

Sa kaniyang complaint affidavit , isang kulay puting sasakyan na may nakasulat na “FOR OFFICIAL USE ONLY” ang madalas makitang nakaparada sa harap ng property sa Baguio City ay tinakpan at nilagyan ng magnetic signage na may nakasulat naman na “Good Governance Benguet”.



Ginamitan ito ng signature color ni Felipe na tumatakbong Congressman of sa Lone District of Benguet.

Nakasaad sa petisyon na sinadyang itago ang “FOR OFFICIAL USE ONLY” marking sa sasakyan.

Maliban dito ay binabago-bago din umano ang plate number ng nasabing sasakyan.

Batay sa dokumento ng sasakyan na nakuha ng petitioner, pag-aari ito ng Provincial Government ng Benguet at sinertipikahan ito ng Provincial General Services Office (PGSO) – ang tanggapan na nag-isyu Property Acknowledgment Receipt kay Felipe.

Hiniling ng petitioner sa Comelec na makansela ang certificate of candidacy ni Felipe at maideklarang null and void for ang kaniyang kandidatura dahil sa nagawa niyang paglabag at ang mga botong kaniyang makukuha sa darating na eleksyon ay dapat ituring na stray votes.