Advertisers

Advertisers

Abby Binay kinuyog ng pro-Duterte netizens sa pagbatikos kay VP Sara: ‘No vote idineklara’

0 11

Advertisers

Kinuyog ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang soplahin nito si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagbatikos laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan sa kabila ng ipinagbabawal ng Comelec.

Sa post ng news website na Politiko https://politiko.com.ph/2025/04/25/dapat-ba-patapusin-pa-eleksyon-abby-binay-rejects-sara-dutertes-claim-on-p20-per-kilo-rice-as-campaign-ploy/politiko-lokal/, natunghayan ang maraming comments ng netizens na inuupakan si Abby Binay na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa.

Makikita sa https://www.facebook.com/politics.com.ph, aabot sa 113 comments, 166 reaksyon at tatlong shares na karamihan ay nanghihikayat na huwag iboto si Abby Binay bilang tugon sa pagbatikos kay VP Sara laban sa pamamahagi ng bigas na tig-P20 kada kilo kahit labag sa Omnibus Election Code.



Ayon kay Binay sa isang press conference na inilathala ng Politiko na “Sasabihin mo ba sa mga tao, ‘after the election na lang ha, doon ko lang ibibigay ‘yung murang bigas kasi sasabihin na namumulitika ako.’ Hindi naman po ganoon ang trabaho ng gobyerno. Kung maibibigay mo na ngayon, ibigay mo na. Hindi mo pwedeng sabihin na, “O, mag-aantay ako ng magandang timing.”

Hindi ito pinalampas ng ilan na tila supporters ni Duterte na nasasalamin sa pagsusuri ng 3RD_AI_ na makababawas sa tiyansa ni Abby Binay na makapasok sa Magic 12 ang pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.

Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Abby Binay sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapuwesto ika-11-14 ng winning circle.

“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo dahil sa pagbibigay ng komento sa ilang pulitiko.

Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.



“Like many politicians, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.