Advertisers
HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang bawat inidibidwal at pamilyang Filipino na walang kakayahan subalit na nangangailangan ng medikal na atensyon na lumapit at humingi ng tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng Malasakit Centers na makikita sa iba’t ibang ospital.
“Ano ba ang kwalipikasyon ng Malasakit Center? Basta Pilipino ka, qualified ka, lalong-lalo na ‘yung mahihirap,” ayon sa senator sa panayam.
Sa pamamagitan ng unified form na makukuha sa mga Malasakit Center, ang bawat pasyente o kinatawan niya ay madaling makakukuha ng medical assistance mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office—na pinagsama-sama sa iisang opisina.
“Hindi dapat pahirapan ang pagkuha ng serbisyo mula sa gobyerno. Pera niyo po iyan. Ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong pangkalusugan,” iginiit ni Go.
“Dahil sa Malasakit Center, hindi niyo na po kailangan bumiyahe at pumila pa sa iba’t ibang mga opisina. Nasa iisang kwarto na po sa loob mismo ng ospital ang mga ahensyang tutulong sa inyong pampagamot,” idinagdag ng senador.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 96 Malasakit Centers sa iba’t ibang ospital sa bansa.
Batay sa huling report hanggang December 2020, ang Malasakit Centers ay nakatulong na sa mahigit 1 milyong Filipino na nag-apply ng medical assistance para sa kanilang hospital bills at iba ang pangangailangang pangkalusugan.
Si Go, noo’y Special Assistant to the President, ang nakaisip na magtayo ng kauna-unahang Malasakit Center noong 2018 sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City para mapabiis ang pagbibigay ng medical assistance ng gobyerno.
Ito ay bahagi ng adbokasiya, kapwa nina Pangulong Duterte at Go na maisaayos ang public health system at serbisyo nito sa mahihirap na pasyente
“Pakiusap ko po sa mga ospital, huwag nating pabayaan ang mga kababayan nating mahihirap at walang pambayad. Unahin natin sila pagdating sa serbisyo publiko dahil sila ang umaasa talaga sa tulong mula sa gobyerno,” ang apela ni Go.
Kaya nang manalo bilang senador, agad iniakda ni Go ang Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019.
“All hospital bills, including professional fees, are covered provided that the expense for the professional fee shall not exceed fifty percent of the approved assistance. So nandudoon po ‘yun, nakasaad po ‘yon [sa guidelines]….Kung ano po ang nasa billing statement na ibinibigay ng hospital, ‘yun ang magiging basehan ng assessment ng Malasakit Center personnel,” ayon kay Go.
“Ang professional fee ng mga doktor ay kasama sa kino-cover ng Malasakit Centers pero ito ay nakadepende sa magiging assessment ng ating mga social worker at sa consent na rin ng doctor na nag-render ng serbisyo sa inyo,” dagdag niya.
Ang pang-96 sangay ng Malasakit Center ay binuksan kamakailan lang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong December 18.
“Iyung mga veterans, bigyan natin ng halaga. Malaki ang sakripisyo ng ating mga sundalo sa ating bansa.”
“Isipin mo, nagtatrabaho ‘yan ng 35 years para magserbisyo sa bayan. So, ‘yung iba diyan 40 years including ‘yung [panahon] sa academy. So, pagkatapos ng serbisyo nila, bigyan natin sila ng hospital na maayos,” anang mambabatas. (PFT Team)