Advertisers

Advertisers

P400k droga, nasabat sa Caloocan

0 28

Advertisers

NASABAT ang mahigit P400k shabu sa dalawang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.

Sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU), sa pangunguna ni PMAJ Jeraldson Rivera, katuwang ang Malabon Police Sub-Station 2 (SS2), sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation kontra kay alyas “Otan”, 34, ng Caloocan City.

Nakumpiska kay alyas Otan ang humigi’t kumulang 35 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P238,000.00 at buy bust money.



Nauna rito, 5:00 ng madaling araw nang matiklo naman ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan sa buy bust operation sa Dulong Roque St., Brgy., Tonsuya si alyas “Mimay”, 34, ng Brgy. Maysilo.

Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon, na may koordinsyon sa PDEA at nakuha sa suspek ang nasa 30.4 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P206,720 at buy bust money.(Beth Samson)