Advertisers

Advertisers

Senior Citizen Partylist Representative at QC’s 5th District Congressional Candidate Rose Lin, nag-tandem sa Libreng Dialysis sa Quezon City

0 20

Advertisers

Nagsanib puwersa ang Senior Citizens Partylist ni Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes at Quezon City Fifth District Congressional candidate Rose Lin para makapagtayo ng isang dialysis center na makakapang-gamot ng “libre” di lamang sa mga nakatatanda at residente ng lungsod.

Matapos ma-inspect nila Ordanes at Rose Lin ang magiging pasilidad ng dialysis center na matatagpuan sa 112 GD Plaza, Novaliches 717 Quirino Highway Brgy San Bartolome, Novaliches nitong weekend, isang Memorandum of Agreement naman ang nilagdaan ng dalawang mambabatas kasama ang mga kinatawan ng Nephor Health Services Inc., isang accredited facility ng Department of Health and PhilHealth.

Paliwanag ni Rose Lin, ang Nephro Health Services, sa pangunguna ng Managing Director nito na si Rose Marie Lim ay maglalagay ng 15 units ng dialysis machine mula pa sa Germany na makakapag-bigay ng maximum na 65 treatment sa loob ng isang araw.



“This will benefit thousands of seniors, as well as those who are in need of treatment of dialysis,” ang sabi Lin.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Ordanes na naging isang kidney transplant patient, “umpisa pa lamang yan at ikakalat natin sa buong bansa sa pagtutulungan namin ni Quezon City Ditrict5 Congresswoman Rose Lin.”

Dagdag pa ng mambabatas ang free dialysis center ay likha ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Rose Lin’s Foundation Inc. sa paglalayong makatulong sa taong bayan, sa pamamagitan ng libreng gamutan.