Advertisers

Advertisers

“One Batangas”, todo ang suporta kay Senador Lito Lapid at iba pang kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas

0 21

Advertisers

TINIYAK nina Finance Secretary Ralph Recto, Vilma Santos at Lucky Manzano ang buong suporta ng mga Batangueño sa mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa nalalapit na May 12 elections.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Lapid ang suporta nya sa mga lokal na opisyal ng Batangas, lalo na sa pamilyang Recto.

Ayon kay Lapid, Chairman ng Senate Committee on Tourism, prayoridad nya ang pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan ng Batangas at buong bansa.



Sinabi ni Lapid, kung malakas ang turismo sa bansa, ito ang magbibigay ng trabaho at kita sa mga Pilipino.

Isinusulong din nya ang pagpapalakas sa agritourism para magkaroon ng dagdag kita sa mga magsasaka at mangingisda.

Nagpapasalamat naman si Lapid sa mga Batangueño sa mainit na pagtanggap sa kanya ng magsagawa nang motorcades sa buong lalawigan kamakailan.

Samantala, ‘all systems go’ na ang Nationalist Peoples Coalition(NPC) sa nalalapit na halalan.

Ito ang tiniyak ng NPC leadership sa pamumuno ni Ginoong Ramon Ang sa kanklang pulong sa Makati, kamakailan.



Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Lapid sa suporta ng NPC at ng kanyang mga kapartido mula nang siya ay maging kaanib nito noong 1991.

“Naniniwala ako sa pinaglalaban at adbokasiya ng NPC kaya ako naging bahagi ng partido at nagpapasalamat ako sa walang sawang pagsuporta ng NPC sa aking pagtakbo,” saad ng senador.