Advertisers

Advertisers

Takbong konsehal, drayber huli sa P1m shabu

0 10

Advertisers

Umaabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang narekober sa kumakandidatong konsehal at kanyang drayber sa isinagawang pagsalakay sa kanyang tahanan ng mga awtoridad sa San Francisco, Dagupan Weste, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay PLtCol. Medie Lapangan Jr., Chief ng Provincial Community Affairs Development Unit o PCADU ng Kalinga Police Provincial Office, isinilbi ang search warrant sa kanyang bahay sa kung saan naaresto ang ng 39-anyos na aspirant sa pagka-konsehal sa bayan ng Pasil, Kalinga at ang kanyang 32-anyos na driver na parehong nasa listahan bilang High Value Individuals o HVI.

Narekober ng mga pulisya sa kanilang paghahalughog sa bahay ng suspek ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.5 milyon.



Nakumpiska rin ang tatlong baril na kinabibilangan ng isang Glock pistol, isang revolver, at isang Taurus “black widow” Cal. 9mm snub nose revolver, magazine na may lamang mga bala at drug paraphernalia.

Napag-alaman na nahaharap din sa parehas na kaso ang kandidatong konsehal.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kandidatong konsehal at kanyang drayber. (Rey Velasco)