Advertisers

Advertisers

12 Tulak, 20 pa huli sa Bulacan

0 269

Advertisers

ARESTADO ang 12 katao sa isinagawang buy bust operation Bulacan.
Sa report ni P/Col. Lawrence Cajipe, nadakip ang 12 drug-pusher via buy bust ng drug enforcement unit sa bayan ng Balagatas Pandi at Meycauayan City, habang arestado rin ng mga barangay tanod si Leo Manalaysay sa Brgy, Sta. Barbara sa bayan ng Baliwag matapos mahuli dahil sa pagkakalat ng basura subalit ng kapkapan, nakahua sa kanya ang 2 plastic sachet ng shabu.
Nakuha mula sa mga suspek ang 16 plastic sachet ng shabu at marijuana.
Samantala nadakip rin ang 10 katao sa anti-illegal gambling operation na Tupada, sa Brgy. GraceVille San Jose del Monte City.
Na-recover mula sa mga naaresto ang ilang panabong na manok, gamit sa tupada.
Habang arestado rin ang 6 katao na kapwa sangkot sa Acts of Lasciviousness, Frustrated Murder, Rape, Physical Injuries at RA 7160.(Thony D. Arcenal)