Advertisers

Advertisers

‘No national ID, No vote’…FAKE NEWS!

0 7

Advertisers

PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang kumakalat na balitang nagsasabing hindi makakaboto ang sinuman na walang National ID sa darating na halalan.

Tinawag nila itong fake news at bahagi ng sinasadyang disinformation campaign upang sirain ang integridad ng electoral process.

“Fake news. This is another orchestrated disinformation intending to discredit COMELEC and our electoral processes,” pahayag ni Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec.



Ayon sa Comelec, hindi kailangang magpakita ng anumang ID ang isang rehistradong botante sa araw ng halalan, maliban na lamang kung may poll watcher o election officer na magkuwestyon sa kanyang pagkakakilanlan. Sa mga ganitong pagkakataon lamang hinihingan ng identification.

Klinaro rin ng Comelec ang mga sumusunod:

Kung malinaw ang pangalan ng botante sa Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL) at walang tanong sa identity, hindi kailangang magpakita ng ID.

Ang advisory na “No National ID, No Vote” ay hindi mula sa kanila, at walang ganoong opisyal na panuntunan.

Ang mga botanteng deactivated (hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan) ay hindi na makakaboto kung hindi nakapagpa-reactivate noong registration period.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">