Advertisers

Advertisers

BBM Youth Movement inendorso ang 106 TRABAHO Partylist

0 2,511

Advertisers

Pormal na inendorso ng BBM Youth Movement ang 106 TRABAHO Partylist sa paniniwalang katuwang ito sa adbokasiya ni Pangulong Bongbong Marcos na makapaghatid ng mas maraming dekalidad na trabaho sa mga Pilipino.

“Para sa dekalidad na trabaho at oportunidad na tunay na ramdam ng bawat Pilipino, iboto ang 106 TRABAHO Partylist!” saad ng BBM Youth Movement sa kanilang opisyal na pahayag.

Ayon sa grupo, buo ang kanilang tiwala na magiging mabisang katuwang ng administrasyon ang 106 TRABAHO Partylist sa pagsusulong ng mga panukalang batas na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa sa bansa.



“Buo ang tiwala ng BBM Youth Movement na katuwang ang 106 TRABAHO Partylist sa adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos na makapaghatid ng mas maraming trabaho, mas mataas na sahod, at mas maayos na kinabukasan para sa bawat manggagawang Pilipino,” dagdag pa nila.

Isa sa mga pangunahing adbokasiya ng 106 TRABAHO Partylist ay ang kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod at karagdagang benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Kasama rin sa plataporma ng 106 TRABAHO Partylist ang pagkakaroon ng mga programang pangkabuhayan at skills training para sa mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor.

Bukod sa pagsuporta sa mga manggagawa, isinusulong din ng 106 TRABAHO Partylist ang insentibo sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang mas makalikha ng lokal na trabaho, lalong-lalo na sa mga probinsya.

“Panahon na para ang mga tunay na nagtatrabaho para sa trabaho tulad ng 106 TRABAHO Partylist ang mailuklok sa Kongreso,” ayon sa BBM Youth Movement.



Sa latest survey ng WRN Numero Research, nakuha ng Trabaho Partylist ang pinakamataas na ranking nito bilang ikatlong pinakanapupusuang partylist para sa halalan 2025.