Advertisers

Advertisers

PCG naitaboy ang Chinese vessel na iligal na nagsasagawa ng research sa loob ng EEZ ng PH

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng scientific research sa dagat na sakop ng Burgos, Ilocos Norte ang isang barko ng China.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela ang PCG Spokesman for the West Phippine Sea, ang Tan Suo San Hao ay ang bago at pinakamalaking research vessel ng China.

Ayon sa opisyal, nang makalapit ang BRP Teresa Magbanua sa research vessel, mabilis itong kumilos para ma-retrieve ang isang manned research submersible na kayang lumubog sa lalim na 4,500 meters.



Bukod dito, nakita rin ang isang rigged hull inflatable boat na lumapit sa isang malaking palutang-lutang na kulay dilaw na bagay na mabilis hinila para maibalik sa naturang barko ng China.

Sinabi ng opisyal ng PCG na ginagamit sa scientific research ang barko kung kaya’t nangangamba sila na makapagsagawa ito ng deep sea mapping para sa submarine operations.

Nagawa namang mataboy ng BRP Magbanua at eroplano ng PCG ang naturang vessel ng China.