Advertisers
HAYAGANG tinawag ng Malakanyang na makasarili si Vice President Sara Duterte matapos tahasang sinabi nito na ayaw niyang tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa hangarin nitong maibenta ang bigas sa P20 kada kilo.
Sinabi kasi ni VP Sara na may nalalaman siyang paraan para mai-benta ng P20 kada kilo ang bigas subalit ayaw niya itong ibahagi.
Bilang tugon sa pahayag, sinabi ni Palace Press Officer at PCO USec Claire Castro na mistulang parang bata ang inasal na ito ni vice president duterte.
Pahayag ni Castro, hindi isang playground ang gobyerno para sa mga isip bata na katulad ng bise presidente.
Giit ni Castro, sa naging aksiyon na ito ng bise presidente, lumalabas ang tunay nitong anyo at kulay bilang public servant, na isang makasarili.
Binigyang diin ni Castro na ang kapakanan ng taongbayan ang dapat na mangibabaw lalo pa at marami aniyang mga pilipino ang nahihirapang bumili ng pagkain kahit pa murang bigas.
Dapat aniyang isipin ng bise presidente na ang paglilingkod sa bayan ay hindi isang laro kaya wag sana aniya itong mag asal bata. Ang pagtulong aniya sa mahihirap na pilipino sa pamamagitan ng mga serbisyo tulad ng bentahan ng murang bigas ay hindi dapat itina timing, bagkus kung ano ang alam mong paraan para makatulong ay dapat na agad ibinabahagi at ginagawa.