Advertisers

Advertisers

MAINIT NA PAGSALUBONG AT SUPORTA NG TAUMBAYAN, PINAGHUHUGUTAN NG LAKAS NG LOOB – PAMILYA KO PARTYLIST

0 48

Advertisers

SINIGURADO ng Pamilya Ko Partylist na sa kabila ng mainit na pagsalubong at suporta sa kanila ng taumbayan ay ibabalik nila ang tiwala at nararapat na serbisyong tapat at totoo sa sandaling mabigyan ng pagkakataon na makaupo sa House of Representatives para maging kinatawan ng bawat pamilyang Filipino.

Ayon kay Atty. Anel Diaz, 1st Nominee ng Pamilya Ko Partylist, naramdaman nito na may kahulugan ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao at naniniwala sa kanyang mga adbokasiya na nagsusulong sa mga interes at pangangailangan ng mga ibat-ibang anyo ng modernong pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Diaz na ang taumbayan lamang ang tanging sumusuporta at patuloy na naniniwala na paglilingkuran sila ng partido ng mayroong ‘malasakit’ kaya sakaling palarin at mabigyan ng pagkakataon sa kapulungan ng kongreso ay isusulong nito ang mga pangunahing batas na kanilang ipinangako sa taumbayan.

“ Kami po na nasa likod ng Pamilya Ko Partylist,sabi ko nga sariling sikap,sariling kayod namin ngunit hindi rin namin ito maaabot kung hindi kami tinulungan ng mga tao na nasa likod namin na naniniwala sa isinusulong ng Pamilya Ko Partylist.”ayon kay Diaz

Aminado din ang partido na ang mainit na pagsalubong at suporta sa kanila ng taong bayan ang kanilang pinaghuhugutan ng lakas ng loob kung kaya nananatili silang lumalaban, at nagsusumikap para sa kapakanan ng bawat pamilyang Filipino.

Inamin ni Diaz na sa kanilang campaign trail sa ibat-ibang bahagi ng bansa ay naipaliwanag na nila sa taumbayan kung sino ang Pamilya Ko Partylist at sinu-sino ang bumubuo sa modernong pamilyang Pilipino, gayundin ang isusulong na plataporma at isa na dito ang maging pantay ang mga karapatan ng lahat ng mga ank,lehitimo man o hindi.

Idinagdag ni Diaz na walang sinumang mataas o kilalang tao,politiko at mga negosyante ang nasa likod ng pagtakbo ngayong halalan , tanging ang mga tao lamang ang sumusuporta sa kanila kaya ito ang kanilang babalikan ng utang na loob. (JOJO SADIWA)