Advertisers

Advertisers

TRABAHO Partylist, pinuri ang utos ni PBBM na ibaba ang interest rate sa SSS calamity loan

0 1,338

Advertisers

Ipinahayag ng TRABAHO Partylist nitong Miyerkules ang kanilang buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang interest rate sa calamity loans ng Social Security System (SSS).

Ayon sa grupo, ang pagpababa ng mga interest sa calamity loan ay isang mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga kasalukuyang naapektuhan ng mga pagputok at pag-alburoto ng mga bulking Bulusan at Kanlaon.

Alinsunod sa utos ng Pangulo, babawasan ng SSS ang interest rates sa mga calamity loan upang agad na matulungan ang mga manggagawang nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng gastusin. Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan at mapalakas ang katatagan sa pananalapi ng mga manggagawa at kanilang pamilya.



Tinawag ni TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang naturang polisiya bilang isang “people-centered reform”, na tugma sa adbokasiya ng partido para sa makabuluhan, inklusibo, at pangmatagalang trabaho at seguridad sa lipunan para sa lahat.

“Direktang tinutugunan ng inisyatibang ito ang isa sa mga pangunahing suliranin ng ating mga manggagawa: ang mabigat na bayarin sa mga utang. Sa pagbawas ng interest rates, binibigyan ng administrasyon ang mga manggagawa ng kaunting ginhawa upang muling makontrol ang kanilang pananalapi at maprotektahan ang kanilang pamilya laban sa krisis pang-ekonomiya,” pahayag ng tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Muling iginiit ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, na magsusulong sila ng mga reporma upang lalong mabawasan ang unemployment at underemployment sa bansa.