Advertisers

Advertisers

3 pulis-Valenzuela kulong sa kotong

0 35

Advertisers

Inaresto ang tatlong aktibong pulis ng mga elemento ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa pangongotong sa ginang kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanyang katulong sa isinagawang entrapment operation sa Valenzuela City niting Miyekules ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong pulis na sina PSMS Michael Fernadez Calora, PSSg Larry Legaspi at PMSg Ronald Anicete na pawang nakatalaga sa Valenzuel City Police Station. 



Sa report, 9:00 ng gabi nang isinagawa  ang entrapment operation ang mga elemento ng PNP-IMEG District Intelligence Division kahabaan ng Gov. I. Santiago Street, Barangay Malinta, Valenzuela City.

Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng ginang nang pangongotong ng mga nasabing pulis ng P100,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanyang katulong o house sa gawang gawang kasong theft.

Dahil sa pressure nagbigay ito ng P5,000 at poste date cheque  na nagkakahalaga ng P50,000.

 Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba maapos na tanggapin ang mark money. Dinala ang mga nasabing pulis sa  IMEG Headquarters sa Camp Crame, Quezon City habang sumasailalim sa imbestigayon sa paghahanda ng kaso Robbery Extortion.

Samantala, ini-relieved sa puwesto ni BGen Josefino Ligan, District Director, Norhtern Police District (NPD) ang 15 tauhan ng Valenzuela City Police Station kabilang ang Chief ng  Investigation Section.



Ang hakbang ni Ligan, base sa principle ng accountability at bahagi ng patuloy na isinagawang internal cleansing habang isinagawang imbestigasyon (Beth Samson/Mark Obleada)