Advertisers

Advertisers

Aquino nagpasalamat sa endorsement ng Jesus is Lord Church, tsansang manalo lumakas

0 5

Advertisers

LUBOS ang pasasalamat ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa kanyang kandidatura na nagpalakas sa kanyang tsansang manalo.

Nagpasalamat si Aquino sa JIL sa kanilang suporta at tiwala, at kay Sen. Joel Villanueva sa pagtatakda ng pulong sa JIL National Executive Committee.

“Maraming salamat sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa posisyon ng Senador. Maraming salamat sa tiwala at suporta,” wika ni Aquino, na pang-11 sa pinakabagong Pulse Asia survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24.



Nagpahayag din si Aquino ng pasasalamat kay Bro. Eddie Villanueva, na tinawag niyang isa sa mga spiritual leader ng bansa,

Ayon kay Aquino, malalim ang kanyang paniniwala na may plano ang Diyos para sa Pilipinas at tutulong siya para ito’y pandayin kapag nakabalik sa Senado.