Advertisers

Advertisers

Grupo sa DOTr: Ipatupad ang parusa sa Move It para sa kaligtasan ng pasahero, iwas-aksidente

0 5

Advertisers

BINATIKOS ng isang grupo ang motorcycle taxi na Move It dahil sa umano’y patuloy nitong pag-o-onboard ng mga rider kahit walang maayos na training na naglalagay sa panganib sa publiko at posibleng magdulot ng mas maraming aksidente sa kalsada.

“Ang problema diyan, napakaraming motorsiklo ang nasasangkot sa aksidente. Marami na sa kanila ang naaksidente, at meron pang mga namatay,” ayon kay Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sa isang panayam sa radyo.

Nanawagan si Gustilo kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Vince Dizon na agarang ipatupad ang kautusan ng Technical Working Group (TWG) laban sa Move It, iginiit niyang anumang pagkaantala ay magreresulta lamang sa mas maraming insidente.



Dagdag pa niya, kahit ngayon, patuloy na nag-o-onboard ang Move It ng mga biker sa kabila ng kautusan ng TWG.

Kapag naantala pa ang pagpapatupad ng kautusan, maaaring malinlang ang mga rider na nabigyan sila ng lehitimong pagkakataon para kumita.

“Dapat i-address na ito ng pamahalaan, kasi bawat araw na lumilipas na hindi nila pinapatupad ang order ay nangangahulugan ng mas maraming rider na mabibiktima. Akala nila may oportunidad sila, pero eventually, mao-offboard din sila,” paliwanag ni Gustilo.

Nilinaw din niya na ang ibinabang kautusan ng TWG ay hindi kaparusahan kundi isang hakbang para itama ang mga dating ilegal na ginawa ng kumpanya.
“Hindi naman po ito parusa talaga. Ito po ay isang corrective measure para itama ang mga dapat sundin ng kumpanya. Ang naging problema, matagal na silang hindi sumusunod sa regulasyon kaya patuloy na lumalaki ang bilang ng mga rider na inoonboard nila,” dagdag ni Gustilo.

Sa isang pormal na kautusan, inatasan ng Motorcycle Taxi TWG ang Move It na itama ang bilang ng kanilang mga rider batay sa alokasyon ng gobyerno, at ihinto ang operasyon sa mga lugar kung saan wala silang awtorisasyong mag-operate gaya ng Cebu at Cagayan de Oro.



Batay sa mga isinumiteng record sa TWG, pinayagan lamang ang Move It na magpatakbo ng 6,836 motorcycle taxi units. Subalit nadiskubreng umaabot na sa 14,662 ang kanilang mga rider—mahigit doble sa pinahintulutan—na itinuturing na “colorum” at labag sa batas.
Inatasan din ang Move It na sumunod sa patakaran ng gobyerno hinggil sa pag-uulat ng activation, deactivation, at reactivation ng mga rider.