Advertisers
SINABI ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na labag sa batas ang pagpayag sa mga European Union Election Observers na pumasok sa mga polling precincts sa araw ng botohan para sa 2025 midterm elections.
Pahayag ni Garcia, malinaw sa batas kung sino lang ang pwedeng pumasok sa presinto kabilang dito ang electoral board members, support staff, poll watchers ng citizen arms, majority at minority party at mga botante.
Paliwanag ni Garcia, layon nitong hindi maistorbo o maimpluwensiyahan ang mga botante sa kanilang pagboto.
Dagdag pa nito, maging ang mga miyembro ng media, opisyal ng barangay, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi pinapayagan sa loob ng polling precint kahit pa magkaroon ng hindi inaasahan insidente kung walang pahintulot sa mga electoral board member.
Bukod dito, hindi rin ikinokonsidera ng COMELEC ang naging banta ng foreign observer na dapat alam umano ng komisyon ang magiging kapalit o resulta ng hindi pagpayag sa kanilang kahilingan.