Advertisers

Advertisers

2 sundalong security detail ni Pulong iniimbestigahan na ng AFP

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na miyembro nila ang security detail na nakatalaga kay Davao City Rep. Paolo Duterte.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang security detail ng mambabatas ay aprubado ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod na rin sa mga umiiral na panuntunan sa panahon ng halalan.

Ayon kay Trinidad, gumagawa na sila ng hakbang para imbestigahan at beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga tauhan nitong nakatalaga sa mambabatas.



Makikipag-ugnayan din ang AFP sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang mga kinauukulang ahensya na nag-iimbestiga sa naturang kaso.

Kasunod nito, binigyang diin ni Trinidad na mananatiling propesyunal at disiplinado ang buong hanay ng Sandatahang Lakas.

Napag-alaman na maliban sa dalawang pulis, dalawang sundalo rin ang mga nakatalagang security detail ni Duterte.