Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng beteranong journalist, kinilala

0 8

Advertisers

Kinilala na ng mga awtoridad ang killer sa pagpatay kay Johnny Dayang, 89, noong Abril 29 sa Kalibo, Aklan.

Sa isang press conference, kinilala ni Maj. Frensy Andrade, hepe ng Kalibo Municipal Police Station, ang salarin na si Kim Wency Antonio mula Negros Occidental.



Ani Andrade, na nagrenta ang salarin ng hotel at motorsiklo sa Kalibo bago ang pagpatay.

Na-trace ng pulisya ang kanyang galaw sa pamamagitan ng backtracking sa mga CCTV, at natuklasan na may kasong droga ang salarin noong 2021 sa Pasig City.

Ayon kay Brig. Gen. Jack Wanky ng Police Regional Office 6, nagsagawa ng surveillance si Antonio sa Kalibo mula Abril 3 at gumamit ng ibang motorsiklo sa pamamaril.

Umalis si Antonio ng Western Visayas noong Mayo 2, at nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Metro Manila upang hanapin si Antonio.

Matatandaang pinagbabaril si Dayang, isang dating OIC-mayor at mamamahayag habang nanonood ng telebisyon sa kanyang tahanan. (Boy Celario)



.