Advertisers

Advertisers

Diarrhea outbreak sa Davao Occ.:1 patay, 33 naospital

0 237

Advertisers

INIIMBESTIAGAHAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang diarrhea outbreak na nangyayari sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Ayon sa DOH, inaalam na sa pamamagitan ng kanilang regional office ang ulat at maglalabas sila ng update sa lalong madaling panahon hinggil dito.
Sa ulat, isang 68-anyos na si Emilio Sumanday ang namatay habang 33 iba pa ang naospital nang makaraas ng diarrhea.
Ang 33 pasyente ay kasalukuyang binibigyan ng atensyong medical sa district hospital ng nasabing bayan.
Ayon pa sa ulat, walang water district sa nasabing lugar kundi sa mga poso o kaya rekta mula sa bukal o ilog. (Jocelyn Domenden)