Advertisers
NASAWI ang isang lalaki nang masagasaan ng motorsiklo habang nagsasayaw sa gitna ng kalsada sa Davao City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Raol Mandaget, 60-anyos.
Nasawi rin sa insidente si Joviemar Caybot, ang 21-anyos na motorcycle rider na nakabangga kay Mandaget.
Sa kuha ng video sa insidente, mapapanood si Mandaget na sumasayaw sa gitna ng highway sa Barangay Calinan Proper nang mahagip siya ng humaharurot na motorsiklo na kaniyang ikinasawi.
Ayon sa ulat, walang suot na helmet si Caybot nang mangyari ang insidente.