Advertisers
Matinding hiyawan at palakpakan ang tinanggap ng TRABAHO Partylist (no. 106 sa balota) sa pag-iikot nito sa Camarines Norte, at pagdalo sa grand rally na idinaos kahapon, ika-9 ng Mayo, sa Labo Sports Complex, Camarines Norte.
Todo suporta rin ang mag-asawang Melai Cantiveros-Francisco at Jason Francisco- o Melason na kapwa itinaas ang mga kamay ni 106 TRABAHO nominee Ninai Chavez na nagtalumpati tungkol sa plataporma at abokasiya ng kanilang partylist.
Pinanindigan ng tubong-Bikol na nominee na si Chavez ang adbokasiya ng 106 TRABAHO na dapat ang trabaho ay kayang matugunan hindi lamang ang pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilya, kundi pati na rin ang kanilang pang-emergency.
“Mga ‘nay, ‘tay, ang kailangan natin ay trabaho na kayang pondohan ang kalidad at maayos na pamumuhay. Para in times of emergency- sa awa ng Diyos ay ‘wag sana mangyari- mayroon tayong ipon para makatulong pang-ospital ba o kung ano man,” pagpapaliwanag ni Chavez.
Tinalakay rin ng 29-anyos na nominee ng 106 TRABAHO ang kanilang layunin na mapaganda ang internet connectivity sa Bicol region.
Aniya, “Bilang part po ng Youth, naiintindihan ko po ang importansya ng WiFi para sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa eskwelahan ng bata, sa trabaho, at sa negosyo. Sa mga ate at kuya ko diyan na may trabaho sa umaga at sa gabi ay nagla-live selling pa.”
Inisa-isa rin ni Chavez ang mga prayoridad ng 106 TRABAHO para sa mga manggagawang Bikolano tulad ng sapat na kita at karagdagang benepisyo para sa kanilang mga medical, transportation, grocery at education.
Para sa mag-asawang Melason, ang kanilang suporta ay hindi lamang nakabase sa plataporma ng TRABAHO Partylist kundi pati na rin sa kanilang pagkilatis sa mga nominee ng 106 TRABAHO- na may mga pinag-aralan, kwalipikasyon, kredibilidad, professional track record, at malinaw na commitment sa paglilingkod sa bayan- lalo na sa mga manggagawa.
Anila, nakakatuwa na ang mga nominee ng 106 TRABAHO ay masigasig na nangampanya nang tao-sa-tao dahil nagpapatunay ito ng kanilang sinseridad at pagpapakatotoo.