Advertisers

Advertisers

Tambalang Bagatsing-Ocampo sinuyod buong distrito ng Maynila

0 5

Advertisers

Muling ipinakita ng tambalang Mayoral candidate # 1 Raymond ‘RB’ Bagatsing at Vice Mayor candidate # 4 Pablo ‘Chikee’ Ocampo ang kanilang masidhing hangarin na manalo sa darating na 2025 polls sa Maynila nang magikot ang mga ito sa buong kalakhang ng lungsod.

Kasamang nila Bagatsing- Ocampo ang #97 ‘Ang Tinig ng Senior Partylist’ sa pag-ikot sa anim na distrito ng Maynila.



Naramdaman ng dalawang kandidatong Mayor at Vice Mayor ang suporta ng mga Manilenyo sa kanilang huling araw ng pag-ikot dahil naging mainit ang naging pagtanggap ng mga residente sa bawat distrito. Nagkagulo at naglabasan ang mga residente nang madinig nila ang palahaw ng megaphone at isinisigaw ang pangalan ng mga manak ng Partido Federal ng Maynila (PFP) na sina Bagatsing at Ocampo. Ang PFP ang opisyal na partido ni Pangulong   Ferdinang ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Hangad nila Bagatsing- Ocampo na maging matalino na ang mga Manilenyo at bumoto ng tunay na lingkod batad at hindi pangsarili lang ang binibigyang prioridad.

Kaya makilahok sa darating ng Mayo 12,2025, Lunes para sa pagpili ng karapat-dapat na mamumuno sa Lungsod ng Maynila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">