Advertisers
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang responsable at pangalagaan ang integridad ng demokrasya sa bansa.
Ginawa ni PBBM ang pahayag isang araw o sa bisperas ng national and local elections, Mayo 12.
Sa isang minutong video sa kanyang official ocial media account, binigyang-diin ng Pangulo na ang halalan ay hindi lamang karapatan kundi tungkulin ng bawat mamamayan, at isang pagkakataon para marinig ang boses ng lahat at maisulong ang pangarap para sa mas maunlad na bayan.
Aniya, pagkakataon ito ng mga Pinoy para marinig ang boses ng bawat isa at maipahayag ang mga pangarap na mahalaga sa bawat isa at sa bayan.
Ayon pa sa Pangulo, bagama’t may pagkakaiba-iba sa paniniwalang pampulitika, ito ang esensya ng demokrasya.
Gayunpaman, iginiit niyang hindi dapat mauwi sa kaguluhan, pananakot, o karahasan ang pagkakaibang ito. (Gilbert Perdez)