Advertisers
Hinihintay pa ang pormal na pahayag ng Commission on Elections (Comelec)kaugnay sa talamak na vote-buying sa maliit na bayan ng Bustos sa Bulacan.
Inulat na nagkaroon ng tensyon sa lugar nang maaktuhan ang pamimili ng boto sa mga residente.
Nang beripikahin ang nasabing ulat, nabigo naman ang ilang grupo ng mamamahayag na kapanayamin si Bustos Chief of Police P/Major Leopoldo Estorque dahil wala siya sa kanyang opisina at hindi rin siya matawagan sa kanyang telepono.
Takot namang magsalita ang mga residente dahil may mga umiikot umano sa lugar na armandong kalalakihan .
Binabantayan umano ng mga naturang armado ang sinuman na maaring magsumbong sa media tungkol sa nalalaman nila sa umaboy talamak na bilihan ng boto sa kanilang bayan.
Nabigo rin ang ilang mamamhayag na makunan ng panig ang kampo ni Vice Mayor Martin Angeles na naisyuhan na ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) dahil umano sa isyu ng vote buying.
Kaya naman ang mga residente ng Bustos, nangangamba na baka masayang lamang ang kanilang boto sakaling mauwi sa diskwalipikasyon ang nasabing show cause order.
Isa rin si Atty. Joey Cruz mula sa Brgy. San Pedro ang nakapanayam ng media kung saan kinumpirma nito ang umano’y vote buying.