Advertisers

Advertisers

Pulis, 2 pa patay sa away sa trapiko

0 2

Advertisers

Nasawi ang tatlong katao kabilang ang isang PNP officer na magbarilan ang dalawang armadong grupo dahil sa road rage o away sa kalye nang maggitgitan ang dalawang sasakyan sa Brgy. Samon, Sta. Maria, Pangasinan Sabado ng madaling araw, May 11, 2025.

Sa inisyal na ulat ng Pangasinan Police, kinilala ang nasawing biktima na si Police Staff Sgt. Dennis Jali Oria, 33- anyos, isang aktibong kasapi ng Tayug Municipal Police Station (MPS).



Sa report, 2:30 ng madaling araw habang pauwi na sa kanilang tahanan ang nasabing pulis lulan ng motorsiklo sa Brgy. San Pablo sa bayan ng Sta Maria nang magkaroon ng putukan sa pagitan ng dalawang armadong grupo ng mga sibilyan sa nabanggit na lugar.

Tinangka ng nasabing pulis na iberipika ang insidente na pansamantalang huminto sa lugar pero maging siya pinaputukan ng isa sa mga salarin kung saan nasapol ng tama ng bala na kanyang agarang ikinasawi.

Nagkaroon umano ang dalawang grupo ng mainitang argumento sa gitgitan sa makipot na kalye ng Brgy. Samon na humantong sa pagbabarilan ng mga ito na ikinasawi rin ng dalawang sibilyan.

Sa follow-up operation, nasakote naman ang mga salarin kabilang ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy na taga-Asingan, Pangasinan at isa pa na mula naman sa Baliwag, Bulacan. Narekober sa mga ito ang apat na mga armas at ang behikulong ginamit sa insidente ng karahasan.

Agad kinondena ni Brig. Gen. Lou Evangelista, director ng Police Regional Office (PRO)1 ang nasabing karahasan at nangakong bibigyan ng hustisya ang kamatayan ng nasabing parak.