Advertisers

Advertisers

Pamilya minasaker habang tulog: 2 patay

0 4

Advertisers

HINDI na nagawa pang bumoto para sa midterm election ang dalawa katao nang mapaslang, habang isa pa ang sugatan nang pasukin sila at pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Antipolo City, Rizal, Lunes ng madaling araw.



Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Lola Rosa”, 70 anyos; at alyas “Ricky”, 58; habang sugatan si alyas “Isa”, 15, nang pagbabarilin.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang salarin na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na t-shirt na may puting stripes sa balikat.