Advertisers
PINANGALANAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang 19 kandidato na haharangin muna ang proklamasyon sakaling manalo ngayong 2025 midterm elections.
Sa inilabas na mga dokumento ng Comelec, sususpindehin ang proklamasyon sakaling manalo sina Marcy Teodoro, Ian Sia, Matt Florido, Philipp Fortuno na pawang mga tumatakbong kongresista.
May mga nasa listahan din na tumatakbong gobernador at bise gobernador gaya nina Ronald Rodriguez Gerardo Noveras, Christine Noveras at Christian Noveras.
Habang anim na mayoral at vice mayoral candidates din ang haharangin ang proklamasyon partikular sina Fatima Salih, Jeryll Harold Respicio, Belshezzar Abubakar, Ricardo Yanson, Aquino Romato, Ricardo Yanson at Mando Taha.
Sa konsehal naman, pinangalanan din ng Comelec sina Darwin Sia, Menandro Buenafe, James Macasero, Dani Mando, at Isaias Noveras.
Ayon sa Comelec, hindi muna ipoproklama ang mga ito hangga’t hindi pa tapos dinggin ang mga kinakaharap nilang disqualification cases.