Advertisers

Advertisers

Batas nakamit ang MVP awards

0 3

Advertisers

KENNEDY Batas ng Ateneo de Manila University ang pinangalanan na Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Season 87 men’s volleyball tournament.

Ang awarding ceremony ay ginanap Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena, bago ang Game 2 ng UAAP Season 87 Men’s Volleyball Finals sa pagitan ng National University at Far Eastern University.

Ang 23-year-old outside hitter ang nangibabaw sa MVP race na may 79.815 statistical points (SP), naungusan si De La Salle University’s Noel Kampton (74.906 SP) at ang University of Santo Tomas (UST) trio nina JJ Macam (74.681 SP), two-time MVP Josh Ybañez (74.255 SP) at Popoy Colinares (71.064 SP).



Batas ang lumitaw na third MVP ng Ateneo sa kasaysyan ng UAAP men’s volleyball, sumunod sa yapak nina AJ Pareja (Season 72) at five-time MVP Marck Espejo (Seasons 76–80).

Nagtapos siya pangalawa sa scoring matapos ang elimination round na may 263 total points, ranked fourth sa spiking na may 44.79-percent succes rate at pang-apat sa service ace, may average na 0-30 per set.

Kasama ni Batas sa spotlight ang 19-year-old rookie JJ Macam ng UST, na pinarangalan Rookie of the Year matapos pomuwesto na third place sa MVP race. Ang kanyang malakas na all-around performance ang nagbigay sa kanya ng spot na Best Outside Spiker na may 259 RP.