Advertisers

Advertisers

CONGRESSMAN JOEL CHUA, NAHALAL MULI KASAMA ANG ASENSO MANILENO CANDIDATES PARA THIRD DISTRICT COUNCILOR

0 51

Advertisers

Sa kabila ng matinding atake na tinanggap sa social media at mga rally mula mismo kay Vice President Sara Duterte at Mayor-elect Isko Moreno, muling nahalal para sa ikalawang termino bilang Manila third district Congressman Atty. Joel Chua, kasama ang buong grupo ng mga Asenso Manileno candidates sa Konsehal sa parehong distrito.

Si Chua, kasama ang limang Konsehal na tumakbo kasama niya sa ilalim ng isang partido, ay prinoklama ng Manila City Board of Canvassers sa parehong araw. Ang mga nasabing konsehal ay ang sumusunod: reelectionist- Councilors Fa Fugoso, Atty. Jong Isip at Maile Atienza, na ang kapatid na si Chi ay tumakbo sa kalabang partido at naproklama din bilang vice mayor-elect at first-time Councilors Karen Alibarbar at Jeff Lau, na Presidente ng Manila Chinatown Barangay Organization.

Ang pagtakbo ni Chua ay pinabigat ng walang humpay na atake sa kanya sa social media at entablado, bukod pa sa ang kanyang katunggali ay ang mismong kapatid ng nakaupong vice mayor.



Nagpahayag ng pasasalamat si Chua sa mga residente ng ikatlong distrito ng Maynila dahil sa kanilang patuloy na suporta: “Buong puso po akong nagpapasalamat sa tiwala na inyong ipinagkaloob muli sa akin. Maraming salamat sa inyong suporta, panalangin, at paninindigan sa gitna ng hamon ng kampanya. Ito ay tagumpay nating lahat! Makakaasa po kayong hindi ko kayo bibiguin.”

“Sa aking pangalawang termino bilang inyong Kongresista, tayo po ay maglilingkod nang higit pa sa inaasahan — nang buong puso at buong tapang. Muli, ako po ang Abogado ng Distrito, Hatid ay Serbisyo,” pagtitiyak nito.

Si Chua ay Chairman ng House committee on good government and public accountability at isa rin sa mga tatayong House prosecutors sa impeachment trial ni VP Duterte. (Jerry Tan)