Advertisers
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na wala pa sa Pilipinas ang UK variant ng coronavirus infection.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Hong Kong health authorities na isang traveller mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa UK variant ng covid-19.
Ang naturang Pilipina ay dumating sa Hong Kong noong Disyembre 22, 2020.
Ang UK variant na B.1.1.7 ay hindi nakita sa 305 samples na sinuri ng DOH.
“The DOH and the Philippine Genome Center (PGC) today report that the said variant of the SARS-CoV-2 virus has not yet been detected in the country,” nakasaad sa statement ng DOH.
Samantala, isang task force na binubuo ng mga eksperto ang binuo ng Inter agency Task Force (IATF) upang imonitor ang bagong variant ng covid-19. (Jonah Mallari/Jocelyn Domenden)