Advertisers

Advertisers

Torre: Iulat bullying sa pamamagitan ng 911 hotline

0 10

Advertisers

Maaari nang iulat ang insidente ng pambu-bully sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline 911, ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III nitong Lunes.

Sinabi nito na mahigpit na sinusubaybayan ng pulisya ang bullying bilang isa sa mga pangunahing alalahanin sa opisyal na pagbubukas ng School Year 2025–2026.

“You can report that to 911. Our call takers first response will be to alert the local police stations which will then coordinate with the school head,” ayon kay Torre.



Binabantayan din umano ng PNP ang mga krimen sa lansangan na tina-target ang mga estudyante.

Tiniyak pa ni Torre sa mga magulang na ang kaligtasan ng kanilang mga anak ang pangunahin nilang prayoridad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">