Advertisers

Advertisers

SA BANSANG MONACO NGA BA ANG DESTINASYON NI PRRD?

0 52

Advertisers

Inihayag ng ICC-accredited lawyer na si Atty. Joel Ruiz Butuyan sa isang panayam na maaari lamang pansamantalancg ma-release ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung malapit ito sa bansang The Hague, Netherlands kung saan ililitis sa International Criminal Court (ICC) ang kaso nito.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng hiling ng kampo ni Duterte na pansamantalang palayain siya patungo sa isang hindi pinangalanang bansa na umano’y pumayag na siyang i-host.

Ayon kay Butuyan, ang bansa na maaaring tumanggap lamang kay Duterte ay kailangang miyembro ng ICC upang masunod ang mga alituntunin ng korte.

Magugunitang kinumpirma ng prosekusyon na hindi sila tutol sa request ng kampo ng dating Pangulo basta’t masunod ang mga kondisyon, kabilang ang pagbabawal kay Duterte na gumamit ng internet o cellphone at tanging pamilya lamang ang maaaring makipag-usap dito.

Naniniwala tayong ito ang naging dahilan kung bakit magkakasamang nagpunta ng bansang Malaysia sina VP Sara Duterte at Senators Imee Marcos at Robin Padilla kamakailan.

Ayon sa ating impormasyon,isang mataas na opisyal ng bansang Malaysia ang tumutulong sa pamilya Duterte para plantsahin ang pagpayag ng di pa tinutukoy na mayamang bansa sa Europa para i- host ang dating Pangulo sakaling katigan ng ICC ang hiling nito para sa pansamantalang kalayaan.

May natanggap din tayong impormasyon nà di pa natin makumpirma na ang tinutukoy na bansa ay ang Monaco na naging ikalawang naging bansang pinamahayan at pansamantalang tinigilan ni Sen.Imee Marcos at ng dati nitong asawang si Tomas Manotoc noong mapatalsik ang pamilya Marcos makaraang ang EDSA revolution.

Samantala, ikinababahala naman ng iba pang Duterte supporters na naka- base sa Europe ang mga balitang kumakalat patungkol sa health condition ni PRRD.

At base na rin sa mga naging pahayag ng live- in partner na si Honeylet Avanceña, TILA nagbibigay na ng habilin sa kanya ang dating Pangulong Duterte sa kanilang mga huling pag- uusap.

Tinuran at sinabi na rin ito nina dating presidential spokesman,Atty.Harry ROQUE at ang DDS. vlogger na si Maharlika sa kanilang mga media interviews at vloggs.

Napakahirap umano ng kondisyon ng 80-anyos na si Duterte sa The Hague dahil malayo sa kanyang pamilya at sa mga doktor na namamahala sa pag-aasikaso sa kanyang dinaramdam na mga sakit.

Posibleng maihalintulad sa hospital arrest ang hinihiling ng interim release ng dating Pangulong Duterte dahil sa hindi magandang health condition nito.

At habang tinitiis ni PRRD ang mga paghihirap na ito, nananatiling nakatuon ang isipan ng dating Pangulo sa abang kalagayan ng bansa at ng kanyang mga kababayan.

‘Wag namang mangyari at ipahintulot, di natin maisip kung ano ang magiging reaksyon ng milyon- milyong mga DDS supporters worldwide sakaling may masamang mangyari sa dating Pangulong Duterte habang nasa kostudiya ng ICC.

Hindi rin natin ma- imagine kung ano ang magiging pagtanggap ng mga PILIPINO sakaling bangkay nang iuuwi ng bansa ang dating Pangulo.

Kung ako kay Bongbong Marcos, gagawan ko na ng paraan maiuwi na agad ng Pilipinas si Duterte bago pa mahuli ang lahat.

Walang kapantay na delubyo sa kanyang buong pamilya ang posibleng mangyari kung sakaling bawian ng BUHAY ang dating Pangulo habang nakakulong sa The Hague.

Magsisilbing multong hahabol kay BBM hanggang sa kanyang kahuli- hulihang sandali kapag nangyari ito.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com