Advertisers
AMINADO ang Philippine Coast Guard (PCG) na hindi madaling hanapin ang mga nawawalang sabungero na itinapon umano sa Taal Lake.
Ayon kay PCG Spokesperson, Capt Noemie Ca-yabyab, maraming hamon na haharapin ang technical divers nila para maisagawa ang paghahanap
Partikular dito ang lalim ng Taal Lake na 170 meters kumpara sa 100 metro na pinakamalalim na nasisid ng mga diver ng Coast Guard.
Gayundin ang lagay ng panahon, kalidad o linaw o labo ng tubig na makakaapek-to sa alon at ang aktibidad ng bulkan.
Bukod pa rito, sa tagal na ng panahon na nasa tubig ang mga sabungero ay maaring wala na sa eksaktong lugar kungsaan sila itinapon.
Sakaling gagawin ang paghahanap, sinabi ni Cayab-yab na makikipag-ugnayan sila sa Philippine Navy para makatulong sa pagsisid.
Sa ngayon, ayon kay Ca-yabyab, wala pang opisyal na request ang Department of Justice (DOJ) para magsagawa ng pagsisid sa Lawa ng Taal.
Sa impormasyon ng PCG, mayroon silang 60 technical divers na maaaring makapagsagawa ng malalimang pagsisid sa nasabing katubigan.(Jocelyn Domenden)