Advertisers

Advertisers

POLICE COL. NA KUMATAY SA KABIT NG MISIS, TIMBOG

0 92

Advertisers

NAARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang Police Lt Colonel na pumatay sa kabaro na ‘di umano’y kalaguyo ng kanyang misis sa Custodial Facility ng Regional Headquarter Support Unit ng National Capital Regonal Police Office sa Taguig City.

Kinilala ang inaresto na si Lt Col. Roderick Pascua, 45 anyos, aktibong PNP official na nakatalaga at nasa restricted custody ng RHSU, NCRPO.

Inaresto si Pascua ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder, na ipinalabas ng ni Hon. Judge Pas Esperanza M. Cortes, Presiding Judge, RTC ng Taguig City, National Capital Judicial Regional Branch 271 noong May 19, 2025. Walang ipinagkaloob na piyansa ang korte para sa pangsamantala kalayaan ng suspek.



Magugunita na inamin ng suspek ang pagpatay kay Police Executive Master Sergeant Emmanuel De Asis, 45, nang mahuli ang kanyang asawa at biktima na nagtatalik sa kanilang bahay sa Taguig City noong Nov. 28, 2024.

Binaril ng opisyal ang biktima at pinagputol-putol ang katawan. Dinala nito ang katawan ng biktima sa “ancestral home” nito sa Baguio City kungsaan ibinaon.



Nasa kustodiya si Pascua ng PNP-IMEG sa Camp Crame at nakatakdang iharap sa kor-te na naglabas ng warrant of arrest. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">