Advertisers

Advertisers

Fuel subsidy hindi muna ipatupad sa ngayon – PBBM

0 14

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pa nakikita ang pangangailangang ituloy ang subsidiya sa langis o ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV drivers, magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Pangulong Marcos kung hindi bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay pagaganahin talaga ng gobyerno ang fuel subsidy.

Gayunpaman, nitong Martes, Hunyo 24 aniya ay bumaba na sa 69 dollars per barrel ang presyo mula sa unang pagsirit na 79 dollars per barrel.



Itinakda ng pamahalaan ang 80 dollars per barrel ng langis bilang benchmark upang magpatupad ng fuel subsidy para sa mga apektadong sektor.

Pero dahil bumaba na ang presyo hindi na aniya kailangan ang subsidiya.



Sa kabilang dako inihayag ng Pangulo na manageable ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang Iran-Israel conflict

Ayon sa pangulo, una na kasing nagdeklara ng ceasefire doon, at una na ring nakapagtala ng pagbaba sa presyo ng krudo sa world market, na nasa 69 dollars per barrel na lamang.



Sa kasalukuyan, nananatili aniyang nakabantay ang pamahalaan sa sitwasyon sa Middle East. At nakatutok rin aniya ang gobyerno sa galaw ng oil price sa pandaigdigang merkado. (Vanz Fernandez)