Advertisers

Advertisers

Hontiveros binira ang testigo sa Senado vs Quiboloy

0 21

Advertisers

PUMALAG si Senadora Risa Hontiveros sa isang video na naglalaman ng umano’y pahayag ng isa umanong testigo sa Senado na binayaran ng kampo ng senadora.

“Kasinungalingan ang mga alegasyon ngayon mula sa nagpakilalang dating testigo sa pagdinig ng Senado ukol sa mga krimen ni Pastor Apollo Quiboloy,” wika ni Hontiveros.

“Sangkaterba ang ebidensiya ng aking opisina na magpapatunay na gawa-gawa lang ang pahayag ngayon ng taong iyan. All witnesses presented during the Quiboloy Senate hearings freely and voluntarily offered their testimonies and the evidence they carried,” diin ng senadora.



Aniya, nakahanda silang maglabas ng mga ebidensyang magpapatunay sa mga ginawang krimen ni Quiboloy.

“Lahat nang iyan ay may paper trail and readily corroborated by multiple agencies and officials. Handa rin kami na ilabas ang iba’t ibang screenshot at video sa tamang panahon,” dagdag pa ni Hontiveros.



Nakahanda rin ang kampo ng senadora na magsampa ng kaukulang kaso.

“We are preparing our serious legal response against this act of harassment and intimidation. Hindi namin palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito.”



Una rito, nagmula ang nasabing video nitong Martes, Hunyo 24, 2025 sa isang Youtube Channel na “Pagtanggol Valiente.” Ayon sa nagpakilalang testigo na si alyas “Rene”, binayaran lamang siya ni Hontiveros upang aniya’y pagbagsakin ang kampo ni Apollo Quiboloy at kaniyang simbahan na Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“Ako po yung kinuhang witness ni Sen. Risa Hontiveros na nakatakip yung mukha, pero ngayon hindi na sapagkat nagsasabi na ako ng totoo,” saad ni Rene.

“Binayaran po ako ni Sen. Risa Hontiveros para mag-testify laban kay PRRD, VP Sara at Pastor Apollo C. Quiboloy. Lahat ng sinabi ko at mga kasama ko doon na nag-witness sa Senado ay ginawa lamang ni Sen. Risa upang pabagsakin si Pastor at ang buong kingdom at kunin ang kanilang mga ari-arian,” dagdag pa ni Rene. (Mylene Alfonso)