Advertisers
PINAKIKILOS ni Deputy Speaker Benny Abante ang Department of Trade and Industry para habulin ang mga nasa likod ng pagbebenta ng ‘porn equipment at materials’ online.
Ito’y matapos lumabas ang ulat hinggil sa pagbebenta ng ilang estudyante ng mga malalaswang larawan at video para may ipantustos sa kanilang distance learning at ang pagtaas na rin ng bilang ng mga naaabusong kabataan sa gitna ng pandemya.
Pinatututukan ng mambabatas ang porn materials at equipment na ibinebenta sa mga malalaking online shopping application na nagagamit umano sa paggawa ng child-pornography lalo’t kapuna-puna ang pagdoble ng suspicious transaction reports (STRs) dito.
Batay sa impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), mula Enero hanggang Hunyo ng 2020 ay tumaas sa 27,217 ang mga kahina-hinalang transaksyon na iniuugnay sa child-pornography.
Mas mataas ito ng 2.5 beses kumpara sa 10,627 na naiulat na STRs sa buong 2019.
Aabot naman ang halaga ng naturanhs STRs sa P113.1 million noong 2020 na doble sa naitalang P65.8 million noong 2019. (Henry Padilla)