Advertisers
APRUBADO na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P540 billion na utang ng national government.
Ilalaan kasi ito sa COVID-19 response ng pamahalaan, kung saan maraming kailangang paglaanan ng pondo.
Ito na ang pangatlong loan na ibinigay ng BSP sa gobyerno na “zero interest.”
Nabatid sa record ng Department of Budget and Management (DBM), aabot na sa P500.7 billion ang nagagastos hanggang noong Disyembre 2020.
Ang nailabas namang pautang ng BSP sa pamahalaan ay pumapalo na sa P1.38 trillion simula pa noong Marso.
Habang may hiwalay pang loans ang gobyerno sa World Bank at Asian Development Bank (ADB), para sa pambili ng bakuna at iba pang pangangailangan.