Advertisers

Advertisers

Angelica inilantad na ang bagong dyowa sa IG; Barbie naka-3 in 1 sa labs na si Diego

0 330

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KUNG dati ay tila palaisipan ang guy na nagpapasaya kay Angelica Panganiban, ngayong 2021 ay hindi na nga nito napigil ang paglantad sa bagong dyowa.

Marami sa mga kaibigan ni Angelica ang natuwa at luma-lovelife na nga raw ang peg nito at magiging maligaya na sa wakas ang kanilang bff.



Ilan sa mga friend nito na happy sa lovelife ni Angelica ay sina Angel Locsin, Glaiza De Castro, Kim Chiu, Bela Padilla at marami pang iba.

Kung dati ay pa-mystery pa ang bf ni Angelica, naisip pa nga ng netizens na baka nakipagbalikan ito sa isa sa mga ex niya.

Sa kanyang IG ay may pasabog sa bagong taon si Angelica.

Sa posted pics naman nito sa kanyang socmed account ay inilabas na nga ni Angelica ang sweet piktyur nila ng non-showbiz syota.

Mismong ang followers ni Angelica ay nagulantang sa picture ng bagong dyowa na labi sa labi ang tukaan na kuha sa Subic, Zambales.



Kahit hindi nga pangalanan ay alam na ng netizens ang name nito, Gregg Homan na tinawag pa nga nitong ‘Honn’ sa kanyang komento sa socmed.

Happy ang mga kaibigan ni Angelica dahil kahit naka-3 failure na sa pag-ibig, tuloy pa rin ito.

Mukhang sa ika-apat na relasyon ay okey na raw at wish ng kanyang friends at followers na si Gregg na ang makatuluyan ni Angelica.

***

SUWERTE kay Barbie Imperial ang pagpasok ng taong 2021 kaya sa pagkakaroon nito ng bagong dyowa sa katauhan ni Diego Loyzaga, inihayag nito na pagbigyan na lang siya at ngayon lang daw ito niya na-feel ulit.

Bukod sa project na dumating kay Barbie ay masasabi na may magpapa-inspire na sa kanya sa work ngayong taon.

Kung boto ang kanilang followers sa relasyon nila ni Diego, boto rin kaya ang mudra ni Diego na si Teresa Loyzaga kay Barbie?

Aprub naman daw kay Teresa si Barbie para sa anak na aktor.  Kaya sa IG nito ay nagpasalamat si Barbie, ‘Salamat po Tita!’     Kahit si Sunshine Cruz na vibes nina Teresa at Diego na anak ni Cesar Montano ay masaya sa relasyon ng dalawa.

Masaya si Barbie, na mula sa pagiging mag-bff ay karelasyon na niya ang kanyang kaibigan.

Bonus na nga raw ang pagtanggap sa kanilang relasyon ng inang si Teresa kaya naka-3 in 1 daw si Barbie.

May kaibigan na, may dyowa pa at soon to be, may magiging mother in law pa.

Well, well, well…’Yun na!