Advertisers

Advertisers

Bong Go nagpadala ng tulong sa mga apektado ng diarrhea outbreak sa Davao Occidental

0 239

Advertisers

HINDI naging hadlang sa outreach team ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagtawid sa malakas na ragasa ng ilog, mababatong daan at landslide-prone na kalsada para makapaghatid ng kagyat na tulong sa mga biktima ng diarrhea outbreak sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

“Patuloy po kaming umiikot para makapagbigay ng konting tulong sa mga nangangailangan. Nais naming iparamdam sa inyo na nandito ang inyong gobyerno na nagmamalasakit at handang maglingkod sa bawat Pilipino,” ayon kay Go sa video call.

Patuloy si Go sa pagtupad sa kanyang pangako na tutulungan ang mga ordinaryong Filipinos na apektado ng natural na kalamidad at iba pang hindi inaasahang sakuna sa pamamagitan ng paglilibot sa mga hikahos na lugar. Tagapangulo ng Senate committee on health, tiniyak ng senador na nakahanda siyang rumesponde sa mga health-related needs ng ating mga kababayan.



“As I have said numerous times, I will not limit myself to serving as a Senator only. Bilang public servant, magseserbisyo po ako sa inyo kahit saan man kayo sa mundo para tugunan ang inyong mga suliranin, pakinggan ang inyong mga hinaing, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” ani Go

“Para sa amin, walang tulog ang serbisyo, lalo na sa oras ng inyong pangangailangan. Kahit anumang problema ang inyong hinaharap — nasunugan, tinamaan ng lindol, apektado ng pagputok ng bulkan, nabahaan, lahat ng klaseng krisis — handa akong tumulong at maserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” dagdag niya.

Namahagi ang grupo ni Go ng mga makakain, food packs, vitamins, medical-grade at reusable masks at face shields sa may 71 benepisyaryo, kabilang na ang 31 pasyente na nakaratay sa Jose Abad Santos District Hospital.

May mga piling pasyente na binigyan ng bagong sapatos at may mga hospital staff na nabahagian ng bisita para magamit nila sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho dahil sa limitado pang transportasyon.

“I am very happy na pinakauna na tumugon sa mga panawagan ng Jose Abad Santos ay ang pinakamabait na senator natin na si Senator Bong Go,” ang pahayaga ni town Mayor Jason John Joyce.



“Personal niya akong tinawagan sa unang araw na pumutok ang balita about the outbreak and, after two days, nakarating na dito sa pinakamalayong munisipyo sa Pilipinas … ang grupo ni Senator Go at President Rodrigo Roa Duterte,” anang alkalde.

“Gusto namin iparating ang aming sinsero at malaking pasasalamat kay Senator Go at Presidente Duterte dahil hindi nila pinabayaan ang mga taga-Jose Abad Santos,” idinagdag ni Joyce. (PFT Team)