Advertisers
Advertisers
Advertisers
PINAGBABARIL ang isang babae na dalawang linggo palang na nakapanganak sa Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Maria Teresa Ambas, 39 anyos, ng Barangay Macayug, Mangaldan.
Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Samuel Abrio, nagpapahinga siya sa kaniyang bahay na ilang metro lang ang layo sa bahay ng biktima nang makarinig siya ng mga putok. Nang puntahan niya ang bahay ng pamangkin, nakita niyang nakahandusay na ito sa semento sa loob ng compound ng bahay.
Sa imbestigasyon, nabatid na ang salarin sa krimen ay ang dating karelasyon ni Ambas, ang ama ng kanyang isinilang, na kinilalang si Rommer Gonzales, 40.
Sa report, nakipaghiwalay ang biktima kay Gonzales bago manganak dahil nalaman nito na mayroon ibang karelasyon si Gonzales.
“Yung isang motive ng pagpatay yung love triangle. Saka ‘yung anak ng babae na namatay ‘yung bata. Kasi yung salarin gusto niyang kunin yung anak niya,” ayon kay Lieutenant Colonel Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Police.
“Tinawagan muna yung babae na biktima, pinapalabas [ng bahay]. Pero yung babae kasi kapapanganak lang dalawang linggo, mahihirapan siya, ayaw ng babae na lumabas. And then yung salarin ayun pinasok na dun sa bahay [sa compound],” dagdag ng opisyal.
Naaresto si Gonzales sa bahay ng babae na umano’y bago nitong karelasyon.
Sinampahan ng kasong murder si Gonzales.