Advertisers

Advertisers

3 variants ng covid-19 binabantayan ng DOH

0 298

Advertisers

MAYROON nang tatlong variant na binabantayan ang Department of Health (DOH).
Ito ay ang UK variant, South Afric variant, at ang natukoy na variant sa Malaysia na patuloy na minomonitor dahil ito ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire ay nagpapakita ng signature mutations sa spike region ng virus tulad ng pag-aaral sa mga apektadong bansa.
Ayon pa kay Vergeire, patuloy ang pagtatrabaho ng PGC kasama ang DOH Epidemiology Bureau upang pangasiwaan ang surveillance ng lahat ng reported variants.
Dagdag pa ng opisyal, ang PGC sa pamamagitan ng bio surveillance process ng DOH ay sinusubaybayan ang buong genome para sa mga pattern ng mutation sa mga local samples.
“Any unusual pattern of mutations are being noted,” ayon pa kay Vergeire.
“They also do cluster analysis no just with lineage but with the whole genome,” dagdag pa ng DOH.
Ibig sabihin nito, kahit na ang umano’y variant ay wala pa sa radar ng surveillance ng bansa, sa sandaling ma-detect ng PGC ang hindi karaniwang mutations patterns, na posibleng variant, ay agad itong babanggitin at ire-report sa DOH. (Jocelyn Domenden)